Print4U
Print4U
Inilunsad ng Sangguniang Kabataan ng Kanlurang Kabubuhayan ang Print4U, isang proyektong nagbibigay ng libreng serbisyo sa pagpi-print para sa mga rehistradong kabataan. Ang mga kabataan ay maaaring mag-avail ng libreng pagpi-print para sa mga school documents, research papers, at iba pang pang-edukasyong pangangailangan. Layunin ng proyektong ito na matulungan ang mga kabataan sa kanilang mga akademikong gawain at magbigay ng karagdagang suporta sa kanilang pag-aaral. Upang magamit ang serbisyo, kinakailangang magpa-rehistro sa Sangguniang Kabataan.